Mahalagang mapaghandaan ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang pag-uwi sa bansa.
Ito ang mensahe ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan sa ginanap na soft launching ng OWWA Kasanayan at Kabuhayan Center (OKKC) sa Intramuros, Manila ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026.
Ayon kay OWWA Administrator Caunan, sa pamamagitan ng OWWA Global Centers at sa pakikipagtulungan ng National Reintegration Network, gayundin ang trainings mula sa OKKC, magagawang maihanda ang returning OFWs at mabigyan sila ng magandang oportunidad sa empleyo at kabuhayan sa kanilang pagbabalik dito sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay mayroong mga OWWA Global Center sa HongKong; Kuala Lumpur, Malaysia; Macau; Muscat, Oman; Singapore; at nalalapit na rin sa Dubai. | ulat ni Rey Sampang