Pormal na itinalaga sina Executive Secretary Ralph Recto, Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr., at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang mga opisyal na caretaker ng pamahalaan.
Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatakbo ng gobyerno at pangangasiwa sa mga pang-araw-araw na gawain ng bansa habang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nasa Shenzhen, China para dumalo sa ika-33 APEC Economic Leaders’ Meeting.
Ayon sa pamunuan, hahawakan ng nasabing Lupon o triumvirate ng mga kalihim ang mga mahahalagang desisyon at operasyon ng ehekutibo upang walang maantalang serbisyo publiko habang wala sa bansa ang Pangulo.
Mahigpit umano ang bilin ni Pangulong Marcos na mapangalagaan ang bansa habang siya ay nasa China para sa APEC Summit.