Kasabay ng matagumpay na hosting ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit, maituturing na rin itong isang malaking oportunidad upang maiangat pa ang kapakanan ng mga nasa informal sector ng bansa.
Sa panayam ng Juan Trabaho kay Employers Confederation of the Philippines o ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., sinabi niyang nananatiling malaking bahagdan ng working class ng Pilipinas ang informal sector na nasa 84 percent, habang 16 percent lang ang nasa formal sector na siyang pinangangasiwaan ng mga employer.
Ayon kay Ortiz-Luis, kung mabubuhusan ng pondo at investment ang bansa mula sa mga posibleng pamumuhunan sa mga karatig-bansa at iba pang partner nations ng Pilipinas, tiyak na mapagtutuunan na ito ng pansin.
Kung maitataas kasi ang formal sector numbers ng bansa, direkta rin itong sasalamin sa pagpapaganda ng ekonomiya ng bansa.
Lilikha rin ang mga future investment na ito ng dagdag na employment opportunity para sa mga OFW na nais nang bumalik ng bansa at dito magtrabaho.
Isa umano ito sa mga nakikitang win-win solution ng ECOP na dapat na ring mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan.
