Madali ng maghanap ng klinika ang mga miyembro ng PhilHealth para maka-avail ng libreng medical consultation, laboratory tests, at diagnostic service sa ilalim ng YAKAP program.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa harap ng maigting na kampanya ng Presidential Communications Office (PCO) na ikalat ang nasabing benepisyo para sa mga Pilipino.
Ayon kay Castro, mayroong 4,677 accredited YAKAP clinics ang PhilHealth sa buong bansa at maaaaring matukoy ng PhilHealth members ang pinakamalapit sa kanilang klinika at diagnostic centers para makuha ang benepisyong libreng pagpapagamot at free laboratory.
Maaari aniyang pumili ng accredited YAKAP clinic sa pamamagitan ng PhilHealth member portal, eGovPH app o ‘di kaya ay sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.
Tiyakin lang ani Castro na maayos at updated ang PhilHealth membership records ng isang nais na maka-avail ng libreng laboratory tests at diagnostic service na iniaalok ng pamahalaan sa ilalim ng YAKAP program.