Pantay-pantay na hustisya sa mga Pilipino kabilang na ang nasa malalayong komundidad. Ito ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong talagang judge na inimbitahan sa Malacañang.
Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat ding manindigan ang mga hukom sa kanilang prinsipyo at lalong patatagin ang tiwala ng publiko.
Dapat din aniyang nakasalig sa integridad at pagiging patas ang sistema ng hustisya na nagsisilbi sa bawat Pilipino habang binigyang-diin rin ng Pangulo ang halaga ng hatol o pasya ng isang hukom sa buhay ng mga indibidwal na may kinalaman sa mga kasong dinidinig nito.