Muling pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Energy Secretary Sharon Garin na masigurong may sapat na suplay ng enerhiya ang bansa sa harap ng patuloy na nararamdamang epekto ng Super El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mahigpit ang kautusan ng Pangulo sa Department of Energy na kahit anong mangyari na sukdulang tumaas pa ang presyo ng produktong petrolyo ay dapat masigurong sapat ang oil supply ng bansa.
Kasama din sa direktiba ng Pangulo ay ang pagpapalawak ng renewable energy at energy efficiency initiatives.
Sa kabilang dakoy tiniyak ng Palasyo na sapat ang suplay ng bigas, baboy, at manok base na din sa pakikipag-ugnayan nila sa Department of Agriculture.