Nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na mag-ingat sa online scams at iba pang cyber threats ngayong Undas.
Pinapayuhan ang mga uuwi sa probinsya at dadalaw sa sementeryo na tiyaking ligtas ang kanilang mga cellphone at personal na impormasyon.
Paalala ng DICT, gumamit ng matitibay na password at iwasang mag-click sa kahina-hinalang links.
Para sa mga insidente ng kahina-hinalang online activity, maaaring tumawag sa DICT 1326 Hotline o mag-email sa 1326@dict.gov.ph.
Hinihikayat ang publiko na maging mapanuri online para sa mas ligtas at panatag na paggunita ng Undas kasama ang pamilya.






