Nagbabala ang National Council on Disability Affairs (NCDA) laban sa mga content creator na nagsasamantala sa Persons With Disability (PWD) para mag-viral at kumita.
Kasunod ito ng mga viral video ni Setzu na tampok si Boss Atan, na may Crouzon syndrome, at nagpapakita umano ng pananakit at pang-aalipusta.
Ayon sa NCDA, hindi dapat gawing katatawanan o pagkakakitaan ang kondisyon ng mga PWD.
Paalala ng NCDA may kaukulang parusa sa ilalim ng Republic Act 9442 ang pangungutya at pang-aalipusta sa mga PWD.
Hinimok ng ahensya ang publiko na huwag mag-like o mag-share ng mga content na nagsasamantala sa kanila.


