Nagpahayag ng pagdududa si House prosecutor at Manula Rep. Joel Chua na makapagbibigay ng malaking dagok sa kaso ng prosecution ang susunod na apat na testigong ihaharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ayon kay Chua, hindi naging maganda para sa depensa ang unang linggo ng pagdinig at wala siyang nakikitang posibilidad na mababago ito ng kanilang bagong lineup ng mga testigo.
Kabilang sa inaasahang haharap sina dating Anti-Money Laundering Council financial investigator Ranier de la Fuente, DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo at FDA official Pilar Marilyn Pagayunan.
Tatalakayin ng mga testigo ang mga transaksiyong pinansyal, business registrations at trade-related activities ng Cale88 Foods Corporation na iniuugnay kay Manases Carpio, asawa ng bise presidente.
Iginiit ni Chua na hindi pa direktang nasasagot ng depensa ang alegasyong P817.87 million undeclared assets at unexplained wealth na natukoy ng forensic financial expert na si Alexander Cabrera.