Naglabas ng magkakaibang pananaw sina Senador Erwin Tulfo at Senadora Imee Marcos hinggil sa kinalabasan ng chairship ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit.
Ayon kay Senador Erwin Tulfo, hindi dapat sukatin ang tagumpay ng ASEAN sa halagang ginugol dito, kundi sa mga konkretong resulta at pangakong magdudulot ng pakinabang sa bansa sa hinaharap.
Iginiit ni Tulfo na matagumpay na naisulong ng Pilipinas ang mahahalagang usapin kasama ang mga kalapit-bansa, partikular sa larangan ng kooperasyong pang-ekonomiya, disaster resilience, at kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
“Ang kailangan natin ngayon ay maisalin ang ating mga nakamit sa summit na ito tungo sa mga benepisyong pang-ekonomiya para sa mamamayang Pilipino,” pahayag ni Tulfo.
Pinuri naman ni Senadora Imee Marcos ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement, ang pag-usad sa kooperasyon sa regional power grid, at ang pinaigting na kampanya laban sa transnational online crimes.
