Nakadepende pa rin sa desisyon ng Senate Impeachment Court kung kailan matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang nilinaw ni House Impeachment Team Adviser at Trial Spokesperson Ace Barbers.
Ayon kay Barbers, bagamat humingi ang panig ng depensa ng walong araw ng pagdinig para sa naiwang paratang ukol sa unexplained wealth, hindi pa rin matitiyak kung matatapos ang paglilitis bago mag-Pasko.
Aniya, magdedepende ang buong timetable sa kung humingi pa ng karagdagang oras ang depensa at kung aaprubahan ito ng impeachment court.
Simula November 9, sasagutin ng kampo ng Bise Presidente ang Article II na patungkol sa diumano’y unexplained wealth, paglabag sa asset disclosure, at prohibited business interests — matapos i-withdraw ng House panel ang tatlo pang ibang artikulo ng impeachment.