Photo courtesy of Office of Ping Lacson
Nadiskubre ni Senador Ping Lacson ang dobleng alokasyon para sa ilang flood control projects sa panukalang 2027 national budget, na plano niyang ipatanggal.
Ayon kay Lacson, bukod sa mga dobleng pondo, nakakita rin ang kanyang grupo ng hindi bababa sa 30 hinihinalang ghost multi-purpose buildings (MPBs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ng senador na may mga MPB na nakatanggap na ng alokasyon noong 2024, 2025 at 2026 pero wala pa ring naitayong gusali sa mga itinakdang lugar.
Ibinahagi rin ni Lacson na may sinasabing komisyon na umaabot sa sampung porsyento sa mga MPB, bagama’t mas mababa ito kumpara sa 15 hanggang 30 percent na kickback na nauna niyang iniulat sa mga maanomalyang flood control project.
Patuloy aniya ang pagsusuri nila sa panukalang budget para matukoy at maalis ang mga dobleng alokasyon.