Naniniwala si Prosecution Adviser at Spokesperson Ace Barbers na tataas pa ang distrust rating ni Vice President Sara Duterte kapag pagkakataon nang i-cross examine ng Prosecution ang mga testigo ng Depensa sa muling pagbabalik ng paglilitis sa November 9.
Ito ang tugon ni Barbers matapos tanungin ukol sa PAHAYAG survey kung saan lumabas na halos lima sa bawat 10 Pilipino ang walang tiwala kay Duterte.
Ang survey ng PUBLiCUS Asia ay ginawa noong October 1-4 sa 1,581 rehistradong botanteng Pilipino.
Ipinaliwanag ni Barbers na isinagawa ang mga survey bago pa man ilatag ang mga mahahalagang testimonya ukol sa pananalapi at unexplained wealth gaya ng pagharap ni Forensic Financial Expert Atty. Alex Cabrera at AMLC official.
Dagdag ni Barbers maaaring magbago ang opinyon ng publiko dahil sa mga bagong kaganapang ito.
Aniya, magiging exciting ang paghaharap ng ebidensya at testigo ng Depensa at abangan ang gagawing pagbusisi ng Prosecution para mailabas ang katotohanan.