Photo courtesy of Rep. PM Vargas/Facebook
Naghain ng panukalang batas si Deputy Majority leader at Quezon City 5th District Representative PM Vargas na nag-aatas sa mga paaralan na maglagay ng mga close-circuit television o CCTV system.
Nais ni Vargas na magkaroon ng komprehensibong security plan sa lahat ng mga ekswelahan upang tugunan ang seguridad ng mga estudyante.
Sa ilalim ng House Bill No. 11575 o “Campus Security Act” layunin nitong protektahan laban sa anumang panganib ang mga mag-aaral at mga guro gayundin ang iba pang school workers.
Ayon sa mambabatas, itatakda ng panukala na bumuo ng malinaw na gabay sa kaligtasan para sa acccess control, visitation at pagtugon sa emergency.
Tiniyak naman ng mambabatas na igagalang ng panukalang batas ang pribadong pamumuhay ng mga mag-aaral at kawani.
Samantala, binigyang-diin ni Quezon solon, ang mahigpit na pagtalima sa sa RA 10173 o Data Privacy Act 2012 sa ilalim ng pagsubaybay ng National Privacy Act of 2012.