DOH, pinayuhan ang mga umuwi mula sa Undas na maligo at magpalit ng damit
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na agad maligo at magpalit ng damit pag-uwi sa bahay matapos bumisita sa mga sementeryo ngayong Undas 2026.
Bahagi ito ng kampanyang Keri Not Skeri ng DOH upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at sakit sa loob ng tahanan.
Paalala ng ahensya, iwasang dumiretso sa pagtulog nang hindi muna naliligo at nagpapalit ng damit, lalo na matapos manggaling sa mga lugar na dinagsa ng maraming tao.
Binigyang-diin ng DOH, na mahalaga ang wastong personal hygiene upang maprotektahan ang kalusugan ng buong pamilya matapos ang paggunita sa Undas.