Photo courtesy of QCPD
Patuloy na nakatutok ang mga tauhan ng Quezon City Police District o QCPD sa iba’t ibang sementeryo, kolumbaryo, transport terminal, pangunahing lansangan at iba pang matataong lugar sa lungsod bilang bahagi ng seguridad ngayong Undas 2026.
Kaugnay nito, nagsagawa ng inspeksyon si District Anti-Carnapping Unit Chief PLtCol. Hector Cortencio sa mga naka-deploy na pulis sa Sta. Maria Dela Strada Columbary at Cathedral Grotto ngayong All Souls Day, Nov. 2.
Alinsunod ito sa direktiba ni QCPD Acting District Director PBGen. Christopher Olazo na matiyak ang kahandaan at pagiging alerto ng mga pulis, mapanatili ang police visibility, at mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.
Ayon sa QCPD, mananatiling naka-deploy ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at agad na makatugon sa anumang emergency.
Pinaalalahanan din ng QCPD ang publiko na maging mapagmatyag, ingatan ang mga personal na gamit at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na pulis o himpilan ang anumang kahina-hinalang aktibidad o emergency.