Pumalo na sa higit 100,000 ang mga bumisita dito sa Bagbag Public Cemetery ngayong Undas 2026.
Sa talaan ng sementeryo, nasa 105,000 ang kabuuang bilang ng mga bumisita nitong All Saint’s Day, November 1, na mas marami kumpara sa 78,551 na bilang ng mga bisita noong nakaraang taon.
Ngayong All Souls Day, tuloy tuloy ang dating ng mga pamilyang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ngayong alas-siete ng umaga, nasa 3,148 na ang naitalang nagtungo rito pero wala pang mahabang pila
Ang ilan sa mga bumisita, sinadya raw na ngayon palang bumisita dahil November 2 daw talaga ang nakalan para sa paggunita ng mga namayapa, may ilan ding may pasok pa kase kahapon kaya ngayon lang nakabisit.
May ilan ding gaya ni Neil ang pinili raw talagang pumunta ngayon imbes na November 1 para maiwasan ang siksikan sa sementeryo.
Nananatiling mahigpit naman ang seguridad sa loob ng sementeryo, kung saan hiwalay pa rin ang entrance ng babae at lalaki at kinukumpiska pa rin ang mga ipinagbabawal gaya ng mga sigarilyo at lighter.
Hanggang alas-diyes ng gabi bukas ang sementeryo para sa mga bisita ngayong Undas.