Naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng Traffic Alert sa Shaw-Ortigas area mula November 4 hanggang November 7.
Ililipat kasi ang tunnel boring machines ng Metro Manila Subway Project mula CP104 Stockyard sa Julia Vargas Avenue sa Pasig City patungong Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City.
Ang nasabing makina ay gagamitin sa pagtatayo ng mga tunnel na mag-uugnay sa Shaw Boulevard at Ortigas Avenue Stations ng subway project.
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.