Bagamat nanatiling pessimistic ang pananaw ng mga negosyo sa Pilipinas nitong September 2026, positibo pa rin ang pananaw ng mga negosyante sa susunod na labing dalawang buwan.
Ito ay ayon sa pinakabagong Business Expectations Survey (BES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa mga negosyo ang pagaalinlangan ay dahil sa mataas na presyo ng langis at kuryente, pati na rin sa pangkalahatang pagtaas ng bilihin.
Kabilang dito ang tensyon sa Middle East, ang paghina ng piso, at ang mga pinsala mula sa kalamidad.
Gayunpaman, ang optimism para sa susunod na tatlong buwan ay dulot ng inaasahang pagtaas ng aktibidad ng negosyo ngayong panahon ng kapaskuhan at panahon ng pag-aani ng palay.
Samantala, ang positibong pananaw para sa susunod na taon ay batay sa mga opportunidad sa pag-unlad ng ilang sektor, partikular na ang healthcare, edukasyon, turismo, financial services, real estate development,at mga negosyong may kaugnayan sa kalakalan (trade).
Nakikita rin ng mga negosyo ang patuloy na pag-unlad dahil sa inaasahang pagbaba ng inflation, mas pinadaling proseso sa negosyo, posibleng pag-maayos ng tensyon sa Middle East, at ang pagtaas ng kumpyansa ng mga mamumuhunan.
Patuloy na binabantayan ng BSP ang mga kaganapan sa Middle East at ang posibleng epekto nito sa pananaw ng mga negosyo at paggasta. | ulat ni Melany Reyes