Muling nagpahayag ng pagkabahala ang House prosecution ukol sa mga pagkaantala sa proseso ng paglilitis kay VP Sara Duterte.
Binigyang-diin ng prosekusyon ang mga naging delay sa paglilitis dahil sa hindi pagsipot ng defense team court-arranged meeting at ang pagtanggi nitong mag stipulate sa mga documentary evidences.
Ayon kay House private prosecutor at legal spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr., paulit-ulit na hiningi ng prosecution sa depensa na suriin at paghambingin ang mga dokumento ngunit tumanggi ang mga ito na siyang nagpatagal sa proseso.
Inalala rin ni Tolosa ang mga disagreements sa proseso noong nagprisinta ang prosekusyon ng mga testigo mula sa Commission on Audit (COA) at libu-libong dokumento ukol sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon kay Tolosa, maging ang panukalang common markings ay tinutulan depensa.
Binigyang-diin ni Tolosa na ipinakita ng prosekusyon ang kanilang layuning pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng pagbawas sa kanilang sariling listahan ng mga testigo—lalo na para sa mga artikulong may kaugnayan sa grave threats,confidential funds, at bribery.
Paninindigan ng House prosecution, ang mas pinaikling kaso ay nagbibigay pa rin ng sapat na pagkakataon sa depensa na sagutin ang natitirang paratang habang nagbibigay-daan sa mga senator-judges na makabuo ng desisyon.