Matagumpay na naharang ng bureau of customs katuwang ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang 200kg na shabu na nagkakahalaga ng ₱1.36 bilyong.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno patunay lamang ito na epektibo ang laban ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kontra sa iligal na droga.
Idineklarang mga karton ang mga naharang na kontrabando na sa huli ay nadiskubreng sandamakmak na shabu pala ang laman.
Nabisto ang kontrabando kasunod ng intelligence sharing mula sa bansang Vietnam at paggamit ng x-ray machine scanning.
Malaking parte rin ng tagumpay ang whole-of-government approach sa pagtutulungan ng BOC, PDEA, PNP, at iba pang ahensya.
Ayon naman kay DILG Secretary Jonvic Remulla, naipanalo nila ang war on drugs nang hindi pumapatay.
Ginagawa nila ang tamang proseso na hinahabol ang source, napipigilan ang distributors, nahihirapang makapasok sa bansa ang iligal na droga dahilan para bumagsak ang suplay sa kalsada.