Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Visayas Grid ngayong araw.
Mula sa naunang abiso na alas-5 hanggang alas-8 ng gabi, iiral na ito simula alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Ayon sa NGCP, bunsod ito ng biglaang paghinto ng operasyon ng PEDC Unit 3
Batay sa pinakahuling update kaninang ala-1:30 ng hapon, nasa 2,655 megawatts ang available capacity, habang 2,551 megawatts ang inaasahang peak demand.
Sa ngayon, nasa 19 na planta ang hindi gumagana, ang ilan ay mula pa noong 2021, habang 23 planta ang tumatakbo sa derated capacity.
Dahil dito, aabot sa 833.2 megawatts ang hindi magamit ng grid. Itinataas ang yellow alert kapag kulang ang operating margin para matugunan ang contingency requirement ng grid.