Photo courtesy of Rep. Brian Yamsuan
Isinusulong ni Parañaque Second District Representative Brian Yamsuan ang pagpasa sa House Bill 7864 o pagpapalakas ng creative arts sa mga eskwelahan.
Layon ng panukalang batas na palakasin at i-modernisa ang Special Program for the Creative Arts (SPCA) ng Department of Education sa mga junior at senior high school.
Ayon kay Yamsuan, habang humaharap sa hamon ang mga tradisyunal na industriya, ang malikhaing sektor ng Pilipinas sa tulong ng teknolohiya at digital channels nang walang malaking gastos.
Sa ilalim ng panukala, lalakihan ang sakop ng kurikulum upang isama ang architecture, cinema, design, digital fabrication, at new media—bukod pa sa mga nakasanayan nang kurso tulad ng pagsusulat, musika, sayaw, at teatro.
Target ng hakbang na maihanda ang mga kabataan sa global demand at matulungan ang Pilipinas na maging premier creative hub ng Asya pagdating ng taong 2030.
