Isinalang sa “TRIAL RUN” ng Department of Transportation (DOTr) ang nasa 20 bus na bibiyahe sa ruta ng Light Rail Transit (LRT) line 2 simula ngayong araw.
Ito ang inanunsyo ni Transportation Sec. Vince Dizon kasunod ng kaniyang pag-iinspeksyon sa LRT line 2, Santolan station ngayong araw.
Ayon kay Dizon, ginawa nila ang hakbang para magsakay ng mga pasahero ang mga bus tuwing rush hour alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Mahaba na kasi ang pila sa LRT 2 kapag rush hour dahil kulang ang bumabyahe nilang mga tren na base sa taya ay nasa 4, 000 ang hindi nakakasakay kapag rush hour.
Bibiyahe ang mga naturang bus sa ruta ng LRT 2 mula Antipolo hanggang Cubao at Cubao hanggang Legarda.
Para sa pamasahe, 80 pesos ang orihinal na pamasahe mula Antipolo hanggang Legarda pero dahil sa discounts na ibibigay ng bus company ay magiging 66 pesos ito at 55 pesos naman para sa mga estudyante.
Kaya makapagsakay ng bus ng hanggang 70 pasahero.
Samantala, kanina sa trial run, sumakay si Dizon sa bus para alamin ang magiging sitwasyon ng mga pasahero at kumustahin ang magiging biyahe.
Aniya, pag-aaralan nila kung uubra ang EDSA-busway style sa Marcos Highway.