Sinopla ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pahayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na dapat maging maingat ang bansa sa mga ipinahahayag nito laban sa China.
Ito ang tugon ni Teodoro kasunod ng naging pag-uusap sa telepono nila Wang at Foreign Affairs Secretary Ma. Teresa Lazaro hinggil sa relasyon ng Pilipinas at China sa gitna ng usapin sa West Philippine Sea.
Giit ng Defense Chief, nagsasabi ng totoo ang Pilipinas kaya’t hindi ito ang dapat sinasabihan na mag-ingat.
Una kasing pinuna ni Wang na ilang mga politiko umano sa Pilipinas ay hayagang kumokontra sa mga paniniwala ng China.
Bagaman hindi pinangalanan, makailang beses nang nakasagutan ni Teodoro ang Chinese Embassy sa Pilipinas.