Pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagdiriwang ng ika-34 na National Children’s Month sa pangunguna ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Tampok sa pagbubukas ang Advocacy Walk mula Kartilya ng Katipunan patungong Manila City Hall na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa daycare centers, kinatawan ng mga bata, persons with disabilities, solo parents at mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Nagkaroon din ng iba’t ibang interactive activities at information booths na nagbigay-kaalaman tungkol sa karapatan, kaligtasan, kahandaan at kapakanan ng mga bata.
May temang “Manindigan, Tumugon at Kumalinga: Sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa” ang pagdiriwang ngayong taon.
Layunin ng MDSW na palakasin ang kamalayan ng publiko sa karapatan ng mga bata at pagsusulong ng ligtas at child-friendly na komunidad sa Maynila.
📸 Manila LGU

