Magpapatupad ng karagdagang interbensyon ang Department of Agriculture (DA) para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na para sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Kasunod ito ng pagbagal ng food inflation sa pinakamahihirap na pamilya sa 9.4 porsyento noong October mula 9.8 porsyento noong September.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipagpapatuloy ng DA ang fuel at toll fee subsidy, ayuda sa mga magsasaka, at pamimigay ng binhi, abono, at crop insurance.
Ibababa rin ang taripa sa mais na ginagamit sa feeds.
Bukod dito ay palalawakin din ang Benteng Bigas, Meron Na! program para maabot ang mas maraming senior citizen, solo parent, at persons with disabilities.
Layon ng mga hakbang na mapagaan ang gastos ng mga magsasaka sa pagtatanim, para hindi na ito maipasa sa mga mamimili. | ulat ni Diane Lear