Kiko Pangilinan
Nanawagan si Senate Committee on Agriculture Chairman Senador Kiko Pangilinan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatag ng isang online dashboard para ma-monitor ang paggamit ng pondo at ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa Very Strong El Niño.
Mungkahi ng senador, atasan ng Pangulo ang National Disaster risk Reduction and management council (NDRRMC), sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD),at ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magtatag ng iisa at coordinated na El Niño action plan.
Dito aniya ay dapat nakapaloob ang mga hakbang, target at regular public reporting.
Binigyang diin ng senador na ang galugod ng lahat ng ito ay ang maayos na paggastos ng pera ng taumbayan kaya naman dapat malinaw sa publiko kung saan napuunta ang pondo, ano ang ginagawa ng gobyerno at ang mga resulta ng mga hakbang na ito.
Kabilang sa mga nais niyang maisama sa pinapanukalang online dashboard para sa strong el nino ang napapanahong updates sa weather forecasts, damage assessments, water conditions, priority needs, finding allocations, supply inventories at price control advisories.
Hinikayat rin ni pangilinan ang publiko na manatiling mapagmatyag at aktibong i-monitor ang paggamit ng pondo ng gobyerno para sa pagtugon sa epekto ng El Niño. | ulat ni Nimfa Asuncion