Screenshot
Nanawagan si Senador Mark Villar ng mas pinaigting at coordinated na hakbang para maprotektahan ang suplay ng pagkain sa bansa sa harap ng banta ng Very Strong El Niño.
Ayon sa Office of Civil Defense, umabot na sa 6.8-billion pesos ang pinsala sa agrikultura dulot ng El Niño nitong Oktubre, habang 109 na lugar na ang nagdeklara ng state of calamity.
Nagbabala rin ang Department of Agriculture na maaaring bumaba nang 700,000 metroc tons ang produksyon ng bigas, katumbas ng 3.5 percent ng taunang target.
Dahil dito, iminungkahi ni Villar ang pagpapahusay sa mga pasilidad ng imbakan ng pagkain, pamamahala sa suplay at mga sistema ng transportasyon at distribusyon para maiwasan ang kakulangan at pagtaas ng presyo.
Hinimok din niya ang mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na magbahagi ng napapanahong datos tungkol sa lagay ng panahon, produksyon, suplay at presyo ng pagkain para maagapan ang posibleng kakulangan.
Binanggit din ni Senator Mark ang kaniyang panukalang Integrated Urban Agriculture Bill o Senate Bill 422 na naglalayong palawakin ang produksyon ng pagkain sa mga lungsod sa pamamagitan ng rooftop gardening at vertical farming. | ulat ni Nimfa Asuncion