Hinimok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga punong barangay sa lungsod na paigtingin ang paghahanda bilang tugon sa inaasahang epekto ng El Niño.
Binigyang-diin ng alkalde ang pangangailangang magtatag ng Heat Action Team sa bawat barangay na mangunguna sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba laban sa epekto ng matinding init.
Inatasan din ang mga barangay na bumuo ng kani-kanilang Heat Action Plan na magsisilbing gabay sa pagtugon sa mga posibleng panganib na dulot ng mataas na temperatura.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na nakahanda itong magbigay ng kinakailangang tulong at suporta sa mga barangay para maisakatuparan ang kanilang mga programa at maprotektahan ang mga residente laban sa epekto ng El Niño.
📸 QC LGU

