Office of the Ombudsman
Umabot na sa 79 ang kasong kriminal kaugnay ng flood control scandal ang naisampa ng Office of the Ombudsman sa korte.
Sa kanyang pulong balitaan, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na 75 dito ang naihain sa Sandiganbayan, habang apat ang nasa mga lokal na korte.
Ayon kay Remulla, aabot sa P10.78 bilyong halaga ng pondong pinag-uusapan sa flood control.
Sa 79 na kaso, dalawa ang plunder at 22 ang malversation of public funds, na kapwa non-bailable. Ang natitirang 55 ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Mula sa 79 na kaso, 67 ang akusado:
- 1 senador
- 1 dating senador
- 4 na kongresista
- 1 dating kongresista
- 1 dating Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
- 39 na tauhan ng DPWH
- 9 na contractor
- 2 congressional staff
- 9 na pribadong indibidwal
Bukod sa flood control, nakapagsampa rin ang Ombudsman ng 57 iba pang kaso sa Sandiganbayan na may 138 akusado, kung saan aabot sa P13.12 bilyon ang halaga ng pinag-uusapan. | ulat ni Diane Lear