Photo courtesy of Quezon City LGU
Nananatiling on-track ang Department of Energy sa pagpapatayo ng EV charging stations sa buong bansa upang maisulong ang paggamit ng electric vehicles sa Pilipinas.
Ayon kay Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino target na makapagpatayo ng nasa 7,000 EV charging stations pagsapit ng taong 2028.
Sa ngayon ayon kay Aquino, nasa 20% to 23% na ang naitatayo sa buong bansa kaya naman inaasahan ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng DOE sa iba’t ibang sektor upang makapagpatayo pa ng mas maraming EV charging stations gaya ng mall at ilang mga gasolinahan at pampublikong lugar sa bansa.