Hindi na itutuloy ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang nakatakda niyang pagbisita sa France.
Sa kanyang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Remulla na kinansela niya ang biyahe sa November 17 dahil sa malawakang protesta roon.
Ayon kay Remulla, ayaw niyang maipit sa gitna ng gulo.
Una nang inanunsyo ni Remulla na balak niyang makipag-usap sa mga justice counterpart sa France, kaugnay ng ilang personalidad na umano’y nagtatago roon.
Kabilang dito sina dating Representative Zaldy Co, Senador Loren Legarda, at ang anak nitong si Batangas Representative Leandro Leviste, na aniya’y ayaw humarap sa kanilang mga kaso.
Mensahe naman ni Remulla sa mga personalidad na nagtatago sa France: “Good luck to them.” | ulat ni Diane Lear