Duda si House Lead Prosecutor Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na posibleng i-shortcut ng depensa ni Vice President Sara Duterte ang paghahain ng ebidensya sa pagpapatuloy ng Senate Impeachment Trial sa November 9.
Sa isang panayam, kinuwestiyon ni Luistro kung naghahanda ba ang depensa na itago ang kanilang presentasyon o baka umano nahihirapang kumuha ng mga ebidensya at testigo ang kampo para sagutin ang alegasyon ng unexplained wealth.
Ginawa ni Luistro ang pahayag kasunod ng pag-atras ni constitutional law professor Dean Ralph Sarmiento bilang unang testigo ng defense team.
Duda rin si Luistro kung igigiit ulit ng depensa ang mga usaping konstitusyonal gaya ng Section 8-A ng Anti-Money Laundering Act, na nagpapataw ng confidentiality sa AMLC upang mapigilan umusad ang paglilitis.
Giit niya, ang paglalabas ng impormasyon para sa isang legal na paglilitis ay hindi maituturing na paninira sa mandato ng ahensya.
Sa kabila ng mga pagdududang ito, sinabi ni Luistro na dapat pa ring igalang at ibigay sa depensa ang nararapat na panahon para ilatag ang kanilang depensa at labanan ang mga ebidensyang iniharap ng prosekusyon.