Nagbigay ng commitment ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gagawin nila ang kanilang bahagi para sa pagpapatuloy ng peace process at ganap na implementasyon ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).
Sa pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at MILF Chair Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, natalakay ang mga natitira pang hakbang sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, kabilang sa mga napag-usapan ang pagpapabilis ng mga programa na magbibigay ng kabuhayan at mas maayos na pamumuhay sa mamamayan.
Gayundin, tinalakay ang pagkumpleto sa ikaapat at huling yugto ng proseso ng decommissioning ng MILF combatants pagsapit ng 2027.
Kapwa nangako ang pamahalaan at MILF na tapusin ang mga natitira pang obligasyon at lalagdaan ang exit agreement bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.
