Pinasisiguro ng Malacañang sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Deparment of the Interior and Local Government (DILG) na agad matutugunan ang problema sa kakulangan ng mga gamit at pasilidad sa pagbabantay sa persons deprived of liberty (PDLs).
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod ng pahayag ni Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion sa pagdinig ng Sandiganbayan, na hindi tuloy-tuloy ang recording ng ilang CCTV sa New Quezon City Jail Male Dormitory.
Ito ay dahil sa kakulangan ng decoder, na nagpo-proseso sa mga kuhang video, dahilan kung bakit hindi maiwasang magkaroon ng blind spots sa loob ng kulungan.
Ayon kay Castro, dapat nakikita ng BJMP personnel ang galaw ng lahat ng PDLs, anoman ang katayuan ng mga ito sa buhay.
Sabi ni Castro, hindi dahilan ang kakulangan ng gamit at pasilidad, para mapabayaan ang kanilang tungkulin na bantayan ang galaw ng PDLs.
Opo.Tugon ito ng Palasyo kasunod ng akusasyong palihim na nakalalabas ng pasilidad si dating House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng pagpatay sa kuryente para hindi makunan ng CCTV.
Nauna nang itinanggi ng BJMP at kampo ni Romualdez ang akusasyon, gayundin na binawi ng kolumnistang si Ramon Tulfo ang akusasyon at inaming walang matibay na basehan ang inilabas na impormasyon kaugnay ng kongresista. | ulat ni Racquel Bayan