Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na matiyak na magiging magaang ang darating na Pasko para sa ating mga kababayan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, mukhang maganda naman ang tinatahak sa mga susunod na araw at sa huli ay makamit ang tinatarget na maligayang Pasko sa mga Pilipino.
Magandang indikasyon dito ani Recto ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo na inaasahan sa papasok na linggo.
Dagdag ni Recto, na sana’y magtuloy-tuloy na din ang pagbaba ng presyo ng pagkain na una nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) ay mahigpit na binabantayan.
Malinaw aniya ang utos ng Punong Ehekutibo na masigurong maging abot kaya sa lahat ang noche buena sa Pasko.