Malaki ang tiwala ng National Bureau of Investigation (NBI) na mas mapapabilis at magiging matagumpay ang pagtukoy at paghuli kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng kanilang patuloy na pagtugis.
Sa gitna ng mga operasyon at pinaigting na paghahanap sa mambabatas, inihayag ni NBI Director Melvin Matibag na bunsod ng mga bagong impormasyon at lead na natatanggap ng kanilang hanay, tumataas ang tyansa ng kanilang tagumpay.
“I think with the information that we’re getting, baka mas, baka malaki yung tsansa,” ayon kay Director Matibag kaugnay ng usapin ng pag-aresto sa senador.
Patuloy pa rin ang pagtutok ng mga awtoridad sa iba’t ibang posibleng lokasyon at pinagtataguan habang masusing sinusuri ang bawat impormasyong nakakalap ng ahensya upang tuluyang matunton ang kinaroroonan nito.