Umabot na sa 114 ang Universal Health Care (UHC) integration sites sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Katumbas ito ng 95 porsiyentong saklaw ng mga probinsya at lungsod na kabilang sa programa.
Layunin nitong mapabilis ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.
Noong 2020, nasa 58 sites lamang ang mayroon, ngunit umabot na ito sa 114 sites sa kasalukuyan.
Sa UHC Summit 2026, binigyang-diin ni Health Secretary Edwin Mercado ang mahalagang papel ng mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapalakas at pagpapahusay ng mga serbisyong pangkalusugan, partikular sa primary healthcare.
Dinaluhan ang summit ng PhilHealth, mga kinatawan ng pambansa at lokal na pamahalaan, World Health Organization at Union of Local Authorities of the Philippines.
Kabilang sa mga isinusulong ang pagpapalakas ng primary healthcare, preventive care gaya ng regular na health screening at maagang pagpapatingin, mas maayos na referral systems at pamamahala ng mga health facility.