Patuloy lang ang arangkada ng mga aksiyon at pagtugon ng Office of Civil Defense o OCD sa mga lugar na labis na apektado ng matinding El Niño.
Batid ni OCD Spokesperson Junie Castillo na ilang lugar na ngayon ang nakararamdam na ng hagupit ng El Niño na posibleng mas lumala pa sa una at ikalawang quarter ng taong 2027.
Ani Castillo partuloy ang kanilang monitoring at agarang pagtugon sa mga lugar na may matinding kaso ng tag-init at nangangailangan ng agarang tulong.
Mas pinaigting din ng OCD ang kanilang panawagan sa masinop, maayos at responsableng paggamit ng tubig at pagpapatupad ng mga water conservation measures.
Kung hindi kasi aaksiyunan ng lahat at ipatutupad ang whole-of-nation approach sa pagtitipid ng tubig ay posibleng humantong sa mas malalang sitwasyon ang bansa oras na sumapit na ang mas malakas na El Niño.