Personal na ipinamahagi nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos, at Education Secretary Sonny Angara ang higit 200 Macbook Neo laptops sa 10 pampublikong paaralan sa Pangasinan, ngayong araw.
Ang turnover ceremony, isinagawa sa Dagupan City.
Ito ang unang bahagi ng nationwide rollout ng mahigit 231,000 laptops para sa mga guro sa pampublikong paaralan.
Sa Dagupan City National High School, nasa 72 units ang ipinamahagi ng pamahalan.
Nasa 137 naman ang inilaan sa siyam na iba pang pampublikong paaralan sa lungsod.
Kung matatandaan, una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na sa kabuuang 231, 725 laptops na na-award, 169,008 ang MacBook Neo units, habang 62,717 naman ang Windows-based laptops.
Mayroong karagdagang 3, 646 MacBook Neo units ang inilaan para sa administrative personnel, na layong mabawasan ang trabaho ng mga guro at mapabilis ang paggawa ng lesson plans at reports.
Ayon sa DepEd, nakatipid ito ng hindi bababa sa PhP1.4 billion sa procurement sa pamamagitan ng competitive bidding, habang mayroong kasamang five-year warranty at training program, upang matiyak na magagamit nang maayos ng mga guro ang mga bagong kagamitan.