Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan na masigurong patas, episyente, at walang delay na naibibigay ang hustisya para sa mga bawat Pilipinong mangangailangan nito.
Sa panunumpa sa pwesto ni Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda (November 9), sinabi ng pangulo na mahalaga ang pagkakaroon ng matatag, independent, at accessible na Judiciary system ng bansa.
Kabilang dito ang pagpapatatag sa trial courts, pagsasamodero ng court services, pagsusulong ng accountability, at pagpapanatili ng integridad at impartiality ng pagbibigay hustisya sa bansa.
Si Pangulong Marcos, nagpahayag ng kumpiyansa sa malawak na karanasan ni Zalameda sa justice system, at sa serbisyo pang ibabahagi nito sa mga Pilipino.
Kung matatandaan, pinalitan ni Zalameda sa pwesto si Chief Justice Alexander Gesmundo, na nagretiro sa pwesto, noong Biyernes (November 6).