Hinimok ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pamilya at pamayanan na makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga sa Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week 2026.
May temang “Nagkakaisang Pamilya at Pamayanan Laban sa Ilegal na Droga, Para sa Ligtas at Malusog na Kinabukasan” ang pagdiriwang.
Binigyang-diin ng DDB ang papel ng pamilya sa paggabay at pagprotekta sa mga kabataan laban sa ilegal na droga.
Hinihikayat din ang mga paaralan, LGU at iba pang organisasyon na makibahagi sa kampanya.
Kabilang sa mga mungkahing aktibidad ang talakayan, gawaing pangkabataan at mga programang pang-edukasyon.
Ipinagdiriwang ang DAPC Week taon-taon alinsunod sa Proclamation No. 124, Series of 2001.