Pinaiigting ng National Power Corporation (NAPOCOR) at National Electrification Administration (NEA) ang kanilang koordinasyon upang mapalawak ang serbisyo ng kuryente sa mga liblib na komunidad.
Nakatuon ang kanilang pagtutulungan sa mga electric cooperative, partikular sa mga lugar na pinaglilingkuran ng Small Power Utilities Group (SPUG).
Layunin nitong mapabuti ang suplay ng kuryente sa mga off-grid area sa pamamagitan ng mas maayos na ugnayan sa power generation at distribution.
Kamakailan, nakipagpulong ang dalawang ahensya kasama ang Department of Energy (DOE) at Maharlika Investment Corporation para palakasin ang power systems sa Palawan at Mindoro.
Inihayag ng NAPOCOR ang pagkilala sa NEA kasabay ng ika-90 anibersaryo nito.
Nagpasalamat si NAPOCOR President Jericho Jonas Nograles kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda sa patuloy na suporta sa pagpapalawak ng elektripikasyon sa bansa.