Idaraos sa Quirino Grandstand sa Maynila ang dalawang araw na pagdiriwang ng kapistahan ng Birhen ng Guadalupe. Pasasalamat din ito sa pagtatapos ng paglalakbay sa bansa ng imaheng mula sa Mexico.
Magsisimula ang pagtitipon sa isang pambansang misa sa Disyembre 11. Susundan ito ng magdamagang pagdarasal ng rosaryo at paghalik sa imahen.
Sa Disyembre 12, magsisimula ang Marian concert alas dos ng hapon. Susundan ito ng misa na pangungunahan ni Dean of the College of Cardinals Luis Antonio Cardinal G. Tagle.
Mula Hunyo ngayong taon, dinala ang imahen sa Manila Cathedral at sa mahigit 60 simbahan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Bahagi ang pagdiriwang ng paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng mga pagpapakita ni Maria sa Tepeyac, Mexico noong 1531.