Photo courtesy of QC LGU
Nakiisa ang Radyo Magasin sa kauna-unahang Quezon City Public Library (QCPL) Pop-Up Library Fair noong Sabado, November 7, 2026, na ginanap sa Quezon Memorial Circle (QMC).
Napuno ang pop-up library fair ng iba’t ibang activities sa pangunguna ng mga kawani ng QCPL at mga exhibitors na dinaluhan ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang.

Dumalo rin si QC Mayor Joy Belmonte na binigyang-diin ang kahalagahan ng naturang aktibidad upang mahikayat ang mga bata na magbasa ng libro, makihalubilo sa iba pang mga bata at limitahan ang paggamit ng anumang uri ng gadget.
Layunin din ng pop-up library fair na mailapit ang serbisyong pang-edukasyon sa mga bata sa pamamagitan ng book mobile, storytelling activity, accessory making, puppet show, at iba’t ibang educational games na kinapulutan ng aliw at aral.
Dagdag pa ni Mayor Joy, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan na masuportahan ang mga batang Pilipino na magkatanggap ng mas matatag at mas kapaki-pakinabang na serbisyo mula sa mga pampublikong silid-aklatan sa lungsod.

Samantala, magkatuwang ang QCPL at Radyo Magasin sa pagbabahagi ng mga kuwentong pambata at iba pang programa ng QCPL tungkol sa mga pampublikong silid-aklatan ng lungsod Quezon sa pamamagitan ng educational radio program na School-On-The-Air na mapapakinggan sa Radyo Magasin 1278 kHz AM at social media pages tuwing Miyerkules, 8:00 AM hanggang 9:00 AM.
