Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong guidelines sa child support na inaprubahan ng Korte Suprema noong Nobyembre 4.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin nitong palakasin ang proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga batang Pilipino.
Itatakda ng guidelines ang pare-pareho at batay sa ebidensyang paraan ng pagkukuwenta ng suportang pinansyal para sa mga bata.
Isasaalang-alang dito ang kakayahang pinansyal ng obligadong magbigay ng suporta, pangunahing pangangailangan ng bata, at oras na inilalaan sa aktuwal na pag-aalaga rito.
Saklaw din ng patakaran ang mga taong may obligasyong magbigay ng suporta bukod sa biological parents.
Sinabi ni Dumlao, magiging proportional ang paghahati ng responsibilidad batay sa aktuwal na ambag ng bawat panig sa pangangalaga sa bata.