Nananatiling kabilang ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga ahensiya ng pamahalaan na may mataas na public approval at trust.
Batay ito sa PAHAYAG Third Quarter 2026 Survey.
Ayon sa CHED, sumasalamin ito sa patuloy na tiwala ng publiko sa kanilang mga programa at serbisyo para sa sektor ng mataas na edukasyon.
Sinabi ng komisyon, na gagamitin nila itong hamon upang higit pang pagbutihin ang kanilang mga programa at serbisyo.
Kabilang sa mga prayoridad nito ang pagpapalawak ng access sa de-kalidad na edukasyon at pagbibigay ng suporta sa mga estudyante at higher education institutions.
Binigyang-diin ng CHED, na patuloy nitong palalakasin ang mga hakbang upang mapanatili ang tiwala ng publiko at mapabuti ang sektor ng edukasyon sa bansa.