Itutulak ni Senador Ping Lacson ang mas mahigpit na transparency measures sa pagtalakay ng panukalang 2027 national budget, kabilang ang tuloy-tuloy na livestreaming at paglalathala ng transcripts ng bicameral conference committee proceeding dito.
Ayon kay Lacson, mahalagang magkaroon ng opisyal na transcript ng mga talakayan sa BICAM para matukoy kung sinong mambabatas ang nagpasok ng mga amyenda at nagtulak ng mga realignment sa panukalang budget.
Ngayong taon, nais din aniya nilang imbitahan sa BICAM ang mga grupo ng budget advocates, gaya ng People’s Budget Coalition, para magsilbing tagapagbantay laban sa mga kuwestiyonableng pagbabago sa pambansang pondo.
Hinimok pa ni Lacson ang mga civil society group na hindi lang maging mapagmatyag kundi isapubliko din ang mga mambabatas na magpapasok ng mga kahina-hinalang realignment.