Nilinaw ni Senate Committee on Finance Chairman JV Ejercito na hindi pa niya kakayaning mailatag sa plenaryo ng Senado sa Miyerkules (November 11) ang committee report ng panukalang 2027 national budget.
Una nang target ng kumite na mai-sponsor sa plenaryo ang committee report sa Miyerkules pero sinabi ni ejercito na nasa gitna pa sila ng pagrebisa nito.
Ayon sa senador, kabilang sa mahigpit nilang sinusuri ng kumite ang mga panukalang budget ng ilang ahensya partikular ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation(DOTr) kasama na rin ang bersyon ng kamara ng budget bill.
Para aniya makatulong sa detailed review ng budget, binahagi ni senator JV na nag-hire na siya maging si senate president sherwin gatchalian ng dagdag na mga staff
Giniit ni Ejercito na nais nilang matiyak na kumpleto ang requirement ng bawat proyekto at hindi na mauulit ang dating mga double entry kasama na ang mali-maling geotaggings.
Sa kabila ng adjustment na ito, target pa rina niyang masimulan sa November 23 ang plenary debates na inaasahang magtatagal hanggang December 1. | ulat ni Nimfa Asuncion